14 na sundalo, sugatan matapos makasagupa ang mahigit isang daang Abu Sayyaf member sa Sulu

33

Muli na namang nagkasagupa ang puwesra ng gobyerno at ng bandidong grupo na Abu Sayyaf kaninang umaga.

 

Ayon kay PA spokesperson Col Benjie Hao, pasado alas-9 ng mangyari ang insidente sa Kan Udong Brgy. Igasan, Patikul, Sulu.

 

Nangyari ang engkwentro habang nagsasagawa ng focus military operation ang 32nd IB,1ID,at Philippine Army sa ilalim ni Lt. Flores.

 

Itinatayang aabot sa 120 miyembro ng Abu Sayyaf ang nakasagupa ng government troops sa ilalim ng senior leader ng ASG na Radullan Sahiron at Sub-leader Sawadjaan at Almuher Yadah.

 

Labing-apat naman ang naitalang sugatan mula sa panig ng gobyerno habang hindi naman matukoy ang bilang ng mga sugatan mula sa panig ng kalaban.

Facebook Comments