14, patay matapos masunog ang isang nightclub sa Thailand

69

Patay ang aabot sa 14 na katao matapos masunog ang isang nightclub sa Sattahip district ng Chonburi sa Thailand.

Sumiklab ang sunog bandang ala-una ng madaling araw ng Huwebes sa Mountain B nightspot.

Makikita sa video na naka-post online na desperadong umalis palabas ng club ang mga nasa loob habang nasusunod ang kanilang damit habang tinutupok ng malaking apoy ang club.


Ayon sa Sawang Rojanathammasathan Rescue Foundation, nasa 14 ang nasawi habang nasa 40 ang sugatan.

Ayon sa mga otoridad, mabilis kumalat ang apoy dahil sa acoustic foam na nasa pader ng club dahilan para umabot sa tatlong oras ang inabot bago makontrol ang sunog.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha sa mga pamilya ng biktima at pinapaimbestigahan na niya ang trahedya.



Facebook Comments