14 taong gulang na lalaki nalunod sa ilog sa Calasiao Pangasinan

573

Patay ang 14 na taong gulang na lalaki matapos malunod sa Basasong River ng Barangay Doyong-Songkoy Calasiao Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Dario Baldueza Jr, residente ng Brgy. Buenlag Calasiao.


Sa panayam ng IFM Dagupan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Calasiao, matapos maglaro ng basketball kasama ang anim nitong barkada nagkayayaang maligo ang mga ito sa ilog nang tumaas ang lebel ng tubig.

Dahil bagong gawa ang dike sa naturang ilog ay tinambakan ito ng mga lupa at bato na naging dahilan ng paglalim nito na tinatayang aabot sa dalawang tao ang lalim.

Pahirapan ang naging pagrescue ng MDRRMC Calasiao dahil sa sobrang lalim kung kaya’t humingi na ang mga ito ng tulong sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO at doon na narekober ang bangkay ng biktima.

Paalala ng MDRRMO sa mga magulang na huwag basta basta hayaang maligo sa ilog ang mga anak lalo na ngayong panahon ng tag-ulan sapagkat lumalalim ang ilog at lumalakas ang agos.

Facebook Comments

From Advertisers