15 katao, patay habang 27 sugatan sa sagupaan ng India at Pakistan

99
Photo Courtesy: Reuters UK

Nasawi ang 15 katao sa nangyaring sagupaan sa Pakistan at India dahil sa pinag-aagawan na Kashmir Region.

Ang mga namatay sa insidente ay kinabibilangan ng 10 sibilyan at limang security personnel.


Naganap ang naturang sagupaan sa cross-border ng dalawang bansa.

Batay sa pahayag ng mga opisyal ng India, napatay sa kanilang panig ang anim na sibilyan, tatlong sundalo at isang border guard.

Habang ayon sa isang opisyal ng Pakistan, namatay ang apat na sibilyan, isang sundalo at 27 ang sugatan sa kanilang panig.

Facebook Comments