15 patay sa paglubog ng isang Indonesian Ferry

Tinatayang labinlima ang nasawi matapos lumubog ang isang Indonesian Ferry sa Madura Island, Indonesia

Ayon kay East Java Police Spokesman Frans Barung Mangera, tumama ang malaking alon sa barko na nagresulta sa paglubog nito.

Aniya, pinag-aaralan na ding dahilan ng insidente ang pagiging overloaded ng barko na lulan ang 50 pasahero.


Base sa search and rescue team, nasa 13 bangkay na ang kanilang narecover at pinaghahanap ang dalawang iba pa maging ang tatlong idineklarang nawawala.

Habang nailigtas naman ang 31 tao sa insidente.

Facebook Comments