150 drug personality, naaresto ng kapulisan ng Cagayan De oro sa buwan ng Marso

60

Cagayan De Oro, Philippines – Umabot sa isang daan at limampung mga drug personality ang naaresto ng kapulisan ng Cagayan De Oro sa kanilang halos isang daang operasyon sa buwan ng Marso ngayong taon.

Ayon kay Cagayan De Oro City Police Office Spokesperson Mardy Hortillosa na ito’y alinsunod sa project double barrel reloaded.

Umabot naman sa mahigit 1,300 mga bahay na ang kanilang nabisita.

Matandaan na noong Lunes, apat na police stations ng siyudad ang nakatanggap ng award dahil sa kanilang mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga.
Nation

Facebook Comments