150 PDLs SA ILOCOS NORTE PROVINCIAL JAIL, ISINAILALIM SA TB SCREENING

‎Isinailalim sa tuberculosis o TB screening ang 150 persons deprived of liberty o PDLs sa Ilocos Norte Provincial Jail dahil sa mas mataas na panganib ng hawaan sa mga kulungan at iba pang enclosed facilities.
‎
‎
Isinagawa ng Department of Health–Ilocos Region ang Active Case Finding noong August 28, kung saan dinala mismo sa loob ng provincial jail ang screening, testing at diagnostic services.
‎
‎
Layunin nitong matukoy nang maaga ang mga PDL na maaaring may TB at maisailalim agad sa kinakailangang pagsusuri at gamutan.
‎
‎
Ayon kay Rheuel C. Bobis, OIC ng Local Health Support Division at Communicable Disease Cluster Head, mas mataas ang posibilidad ng airborne transmission sa mga kulungan dahil sa enclosed at shared spaces.
‎
‎
Hindi lamang mga PDL ang maaaring malagay sa panganib kapag may hindi agad natukoy na kaso. Posible ring ma-expose ang jail personnel at mga bumibisitang kaanak.
‎
‎
Dahil dito, kabilang ang mga correctional facility sa mga high-risk setting na tinututukan ng TB control efforts ng DOH.
‎
‎
Sa pamamagitan ng active case finding, layunin ng health authorities na maagapan ang posibleng transmission sa loob ng pasilidad at maiwasang makarating ito sa labas ng kulungan.
‎
‎
Wala namang binanggit na bilang ng kumpirmadong kaso ng TB mula sa 150 PDLs na sumailalim sa screening. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments