
Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na walang halong korapsiyon ang nakatakda nilang pagbili ng mga fire truck sa susunod na tatlong taon.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, nasa 1,500 na fire truck ang target nilang bilhin mula sa South Korea sa pamamagitan ng government-to-government procurement sa susunod na tatlong taon.
Aniya, base sa pakikipag-usap nila sa bansang South Korea, mula sa dating mas mataas na presyo ay naibaba nila ng P6 million ang presyo ng bawat firetruck.
Dahil dito, nasa P10 million na lamang ang presyo ng isang fire truck na nakatakdang ipamahagi sa iba’t ibang LGU sa buong bansa.
Umaasa si Remulla na susuportahan ng susunod na administrasyon ang kanilang programa lalo na’t kailangan ang mga ganitong uri ng truck sa mga lokal na pamahalaan.
Isinagawa ni Remulla ang announcement kasabay ng turnover ceremony ng 73 Unified 911 Emergency Response Motorcycle kahapon sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.










