156 examinees, nakapasa sa 2022 Shari’ah Bar Examinations

110

Kinumpirma ng Supreme Court na 156 ang pumasa sa ginanap na 2022 Shari’ah Bar Examinations.

Ito ay mula sa 532 examinees na kumuha ng pagsusulit noong March 20 at 22 na ginanap sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

Nangangahulugan ito na 29.66% lamang ang pumasa sa 2022 Shari’ah Bar Examinations.


Kinumpirma rin ng Korte Suprema na ibinaba ang passing percentage sa nasabing pagsusulit sa 70% bilang konsiderasyon sa pinagdaanang mga hamon ng examinees dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments