158 pasahero ng barkong nagkaaberya sa karagatan sa Cebu, na-rescue ng PCG

117

158 na pasahero ng barko ang nakaligtas matapos ma-rescue nang magkaaberya ang makina ng MV Lite Ferry sa karagatan ng Liloan, Cebu.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), galing sa Liloan, Cebu ang barko at patungo sana sa Ormoc City nang magkaproblema ang makina ng barko.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), lumalabas na dahil sa diluted fuel ang pagpalya ng makina ng barko.


Agad naman na nag-angkurahe ang barko sa two nautical miles ng Bagacay Point sa Liloan at inayos muna ang makina.

Naayos sana ng crew ang barko subalit sumabit naman ang angkurahe kaya pinutol na lamang ang anchor chain.

Nagpasya ang crew ng barko na bumalik na lamang sa Pier 4 ng Cebu.



Ayon sa PCG, nasa maayos naman na kalagayan ang 158 na pasahero at nakabiyahe na ang mga ito lulan ng MV Lite Ferry 27.

Facebook Comments