16 na bagong recruit na pulis sibak agad 

16732

Mahigpit ang babala ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa kaniyang mga tauhang hindi mapigilan ang sarili sa paginom ng alak sa mga pampublikong lugar na itigil na ito.

Kasunod ito ng pagkumpirma ni Gamboa kahapon na sinibak niya ang mga opisyal ng Regional Training Group sa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil aniya sa misbehavior ng 16 sa kanilang mga recruits.


Bagamat hindi idenetalye ng PNP Chief, napagalaman na ang 16 na bagong recruits na tinutukoy nito ay pag-inom ng alak makaraang makapasa sa pagsasanay at hindi pa nakuntento ay pinost pa sa Social Media.

Kaya naman dahil dito hindi na matutuloy ang kanilang pangarap na maging Pulis dahil mismong ang PNP Chief na ang kumastigo sa mga ito.

Sa huli, nangako si Gamboa na gagawin niya ang lahat para madisiplina at makastigo ang kaniyang mga pasaway na tauhan.

Facebook Comments