16 na PUIs sa Region 10, nag-negatibo sa COVID-19

Umabot na sa 16 na Person Under Investigations o PUIs sa Region 10 ang nag-negatibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ito’y base sa resulta ng Department of Health o DOH Region 10 na inilabas kahapon.

Ayon kay Dr. Adriano Suba-an, Regional Director ng DOH Region 10 na kabilang sa nag-negatibo ang dalawang PUI mula sa Bukidnon, apat sa Misamis Occidental, dalawa sa Lanao del Norte, dalawa sa Lanao del Sur, tatlo sa Camiguin, isa sa Zamboanga del Sur, isa sa Cagayan de Oro at isa sa Cebu City.


Ang naturang mga pasyente ay isinailalim sa 14 days quarantine sa Northern Mindanao Medical Center.

Inihayag rin ni Dr. Suba-an na inaasahan nilang bababa na ang bilang ng mga PUIs at Person Under Monitoring (PUM) sa Region 10 habang nagpapatuloy ang mga government officials sa kampanya laban sa COVID-19.

Facebook Comments