16 pang Pinoy sa abroad, gumaling sa COVID-19

26

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na 16 pang overseas Filipinos ang gumaling sa COVID-19 sa abroad.

Sa kabila nito, 13 ang bagong kaso, pero wala naman bagong Pinoy na binawian ng buhay.


Sa ngayon, 18,537 na ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 mula sa 94 na mga bansa.

6,029 sa mga ito ang nananatiling aktibo habang 11,349 na ang mga gumaling.

1,159 naman ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments