16 PANIBAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA SA REGION 1

24
Nadagdagan pa ng panibagong labing anim na kaso ng covid-19 ang Region 1.
Base sa datos ng DOH-CHD1, naitala ang mga bagong kaso noong May 22-28.
Wala namang naitalang severe o malalang kaso sa mga panibagong kaso at nasa 152 na ang dumagdag na nasawi sa mga nakalipas na linggo dahil sa COVID-19.

Nasa 20% naman ang ICU Bed utilization nito o mula sa 230 na kama nasa 46 ang okupado.
Samantala, nasa 3, 648, 399 o 84% ng eligible population ang fully vaccinated at 807, 065 ang nabigyan ng booster dose. | ifmnews
Facebook Comments