1,604 bagong kaso ng COVID-19, naitala kahapon ng DOH

57

Nadagdagan pa ng 1,604 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon ayon sa Department of Health (DOH).

Dahil dito, umakyat pa sa 3,723,014 ang kabuuang kaso ng COVID-19 habang nasa 14,862 naman ang active cases na pinakamataas mula noong buwan ng Abril.

Habang 637 sa mga bagong kaso ang nagmula sa National Capital Region (NCR).


Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na nananatili sa 60,460.

Samantala, una nang ibinabala ng DOH na posibleng pumalo pa sa mahigit 11,000 ang arawang kaso ng COVID sa katapusan ng buwan kung patuloy na hindi susunod ang publiko sa minimum public health standards.

Facebook Comments