166 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 cases, nadagdag sa Quezon City

45

Nadagdagan ng 166 ang mga kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa impormasyon na inilabas ng QC Health office, umakyat na sa 8,406 ang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod.


Mula sa naturang bilang, 2,080 ang aktibong kaso ng COVID-19.

8,331 ang may kumpirmadong kumpletong address sa Quezon City habang 8,305 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Nadagdagan ng 124 ang nakarekober na may kabuuang 5,880 habang pito ang naitalang binawian ng buhay na umabot na sa 345.

Facebook Comments