17 bangkay nang sibilyan na narekober ng militar sa Marawi, sinusuri na nang PNP SOCO

176

Manila, Philippines – Isinasailalim ngayon sa disaster victim identification procedure ng PNP SOCO ang 17 mga bangkay ng sibilyan na narekober ng tropa ng militar sa Barangay Gadungan, Marawi City kahapon.

Ayon kay PNP CRIME LAB director, CSupt. Aurelio Trampe,layon ng pagsusuri na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga bangkay upang maki-claim na ang mga ito ng kanilang mga kamag anak at para mabigyan na rin ng maaayos na libing

Sa ngayon nagpadala na ng mga tauhan ang PNP Crime laboratory sa Marawi mula sa mga kalapit rehiyon para tumulong sa pag proseso sa mga narekober na mga bangkay.


Facebook Comments