17 Chinese nationals, pinigilang makapasok sa bansa dahil sa kuwestiyonableng mga kadahilanan

171

Aabot sa 17 Chinese nationals ang pinigilan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa Pilipinas.

Ito’y matapos na mabigo ang mga itong makapagpaliwanag ng maayos sa kanilang pakay sa pagpasok sa bansa.


Partikular na hindi nasagot ng mga ito ang katanungan ng immigration officers hinggil sa mga kompanyang papasukan nila sa bansa.

Dahil dito, agad pinabalik ang mga Chinese sa kanilang bansa at inilagay na rin sa blacklist.

Nangangahulugan ito na hindi na sila muling makakapasok sa Pilipinas.

Facebook Comments