17 katao, patay sa banggaan ng truck at motorsiklo sa Ghana sa West Africa

85

Aabot sa 17 katao ang nasawi habang marami pa ang sugatan sa banggaan ng motorsiklo at truck na may lamang pampasabog para sa minahan sa bansang Ghana sa West Africa.

Bukod sa mga namatay, nasira din ang ilang mga kabahayan at imprastraktura na malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon kay National Disaster Management Organisation Deputy Director General Seji Saji Amedonu, tinatayang nasa 500 gusali ang nasira habang nagpapatuloy naman ang rescue operations.


Samantala, iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad kung may naging paglabag ang mining company kaugnay sa maayos na pagbiyahe ng mga pampasabog patungo sa Chirano Gold Mine.

Facebook Comments