17 Pinoy sa abroad, gumaling sa COVID-19

17

Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 17 overseas Filipinos na bagong gumaling sa COVID-19.

4 naman na Pinoy ang bagong tinamaan ng virus habang walang naitalang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 18,633 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng virus.

6,078 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling habang 11,392 na ang mga gumaling.

1,163 naman ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na namatay sa COVID-19 sa abroad.

Facebook Comments