176 KILOS RED TILAPIA, HINARVEST AT IPINAMAHAGI SA QUARANTINE FACILITIES SA LUNGSOD NG ALAMINOS

ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Hinuli at hinango na ang nasa isang daan, pitumpu’t anim (176) na kilo ng red tilapia sa lungsod ng Alaminos.

Ito ay sa pangunguna ng Regional Mariculture Technology Demonstration Center – Lucap (RMATDEC).

Ipinamahagi ang mga harvested red tilapia sa mga quarantine facilities sa mga bayan ng Bolinao, Anda at maging sa lungsod.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa patuloy na dedikasyon ng ahensya para makatulong sa mga kababayan ngayong panahon ng pandemya.

Malaking tulong umano ito sa karagdagang suplay ng masustansyang pagkain para sa mga nagpapagaling at nagpapalakas pang mga kababayan sa quarantine facilities.

Facebook Comments