18.2-M Filipinos, fully vaccinated kontra COVID-19

68

Umabot na sa halos 41 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa mga Pilipino sa buong bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, mula sa kabuuang 40.9 million, 22.6 million mga Pilipino na ang nakatanggap ng unang dose habang 18.2 million ang fully vaccinated.


Sa ngayon, nasa higit 59 million doses ng COVID-19 ang natanggap ng bansa mula sa iba’t ibang international manufacturers.

Nasa 195 million doses pa ng COVID-19 vaccines ang inaasahang maide-deliver sa bansa hanggang sa tapusan ng 2021.

Facebook Comments