18 anyos na lalaki arestado sa pagbebenta ng Marijuana

8

Kalibo, Aklan— Arestado ang suspek na si Aiven Constantino 18 anyos residente ng purok 3 C. Laserna St. Poblacion Kalibo matapos mahuling nagbebenta ng marijuana. Ikinasa ang buybust operation kagabi sa Aklan Freedom Shrine ng pinagsanib na pwersa ng Kalibo PNP, PDEU Aklan at PDEA matapos mamonitor ng mga otoridad ang illegal na transaksyon ng suspek. Narecover ng mga operatiba ang isang malaking bulto ng pinatuyong dahon ng marijuana kapalit ng P5,000 na buybust money at isa pang pakete nito mula sa kanyang posisyon. Ayon kay PLTCOL. Bellshazar Villanoche na matagal na nilang sinusubaybayan ang galaw ng suspek kung saan nakakaabot umano ang ibinibenta nitong droga sa ibang bayan sa Aklan. Napag alaman na nahuli rin ng mga otoridad ang ama ng suspek noong 2014 dahil rin sa pagtutulak ng illegal na droga ngunit ngayon ay nakalaya na. Sa ngayon kasalukuyang nakakulong ang 18 anyos na suspek sa Kalibo Police station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Facebook Comments