Isang 18-anyos na lalaki ang nasawi matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang puno ng akasya sa kahabaan ng National Road, Brgy. Carmen East, Rosales, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, madaling araw nangyari ang insidente kung saan ang biktima ay residente sa bayan.
Napag alaman ng awtoridad na wala itong Lisensya at nasa impluwensya ng alak. Nagkamali umano ng tantya sa daan ang biktima at bumangga sa isang puno ng akasya.
Agad siyang isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments