18 COVID-19 patients, patay sa panibagong sunog sa isang ospital sa India

340

Namatay ang labing-walong COVID-19 patients sa Bharuch Welfare Hospital sa Gujarat, India matapos sumiklab ang panibagong sunog sa naturang ospital.

Nagsimula ang sunog sa isang COVID-19 ward sa may ground floor ng nasabing ospital.


Aabot sa 70 pasyente ang naka-admit kung saan 24 na mga pasyente ang nasa Intensive Care Unit (ICU) nang mangyari ang sunog.

Sa ngayon, nasa maayos na kalagayan naman ang ibang pasyente na nailigtas sa naturang insidente.

Matatandaan, 13 COVID-19 patients ang nasawi sa nangyaring sunog sa ICU ng isang COVID-19 referral hospital sa Mumbai, India noong lamang ng Marso.

Samantala, nakapagtala ang India ng mahigit 400,000 na panibagong kaso na tinamaan ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.



Facebook Comments