18 elevators sa EDSA busway, gumagana na ayon sa DOTr

Personal na nagsagawa ng pag-inspeksyon si Transportation Secretary Dizon sa Balintawak station ng EDSA busway para masigurong gumagana na ang mga elevator sa istasyon.

Ayon kay Secretary Dizon bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumutok ang gobyerno sa pagtiyak na convenient at accessible ang pampublikong transportasyon lalo na sa mga priority passengers tulad ng senior citizens, buntis at mga PWD.

Paliwanag pa ng Kalihim na sa kabuuan, 18 elevators ang gumagana sa anim na magkakahiwalay na istayon ng busway, para sa mas madaling biyahe ng mga pasahero.

Hinikayat din ng DOTr ang publiko na makipagtulungan sa ahensiya at agad na i-report kung mayroon silang napapansin problema sa mga busway sa EDSA upang agad na mabigyan ng kaukulang aksyon ng pamahalaan.

Facebook Comments