Tuesday, July 14, 2026

18-ex bagmen, binawi ang testimonya laban kay Sen. Legarda

Binawi ng 18 ex-bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co ang kanilang naunang pahayag noon na kasama si Senator Loren Legarda sa hinatiran ng male-maletang kickback sa flood control projects.

Sa press conference, sinabi ng legal counsel ng 18-ex bagmen na si Atty. Levito Baligod na ni-retract o binawi nila ang kanilang naging pahayag at inamin na nagkamali sila sa pagsasabing nakatanggap ng dalawang maleta si Legarda mula kay Co.

Nilinaw sa kanya ng dalawang dating tauhan ni Co na sina Rodante Orbillo at Rommel Galapon na wala silang naipasok na mga maleta sa residence o bahay ni Legarda.

Sinabi pa aniya sa kanya ng mga dating tauhan na inutusan silang magbaba ng dalawang maleta nang pumasok si Co sa gate ng bahay ni Legarda subalit mabilis din itong lumabas at wala silang nakitang naipasok na maleta sa loob ng gate.

Bukas naman si Baligod kung sakaling sasampahan ng kaso ang dalawa sa dating bodyguards ni Co dahil sa maling testimonya.

Facebook Comments