
Tinatayang 18 hanggang 20 mga bahay ang nasunog sa residential area sa St. Jude Street, San Antonio Valley 1, Brgy. San Antonio, Parañaque City
Nagsimula ang sunog pasado ala-1 ng hapon at umabot ito sa ikatlong alarma bago idineklarang under control.
Mabilis namang rumesponde ang mga bumbero at fire volunteers mula sa mga karatig na lungsod.
Nabatid na aabot sa 70 hanggang 80 pamilya o nasa 150 indibidwal ang naapektuhan ng sunog.
Napag-alaman din na gawa sa light materials ang mga nasunog na bahay.
Nananawagan naman ang mga apektadong residente ng tulong lalo na ang hot meals, inuming tubig at hygiene materials.
Facebook Comments