18 katao patay, 10 sugatan matapos sumalpok ang truck sa isang bus sa India

54

18 katao ang nasawi habang 10 naman ang sugatan matapos sumalpok ang truck sa isang bus sa Uttar Pradesh, India.

Ayon kay Barabanki Superintendent of Police (SP) Yamuna Prasad, ang nasabing bus ay mayroong sakay na 150 na pasahero habang ang 10 indibidwal na nasaktan ay ipinadala na sa capital ng Lucknow para gamutin.


Samantala, dagdag pa nito, karamihan sa mga pasahero ay pawang mga manggagawa.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa mga biktima ng trahedya.

Facebook Comments