18 katao, sasampahan ng reklamo sa nangyaring street boxing sa Tondo, Maynila

Posibleng maharap sa reklamo ang 18 katao na sangkot sa iligal na boxing sa Gagalangin, Tondo, Maynila nitong weekend.

Ayon kay Manila Police District Director Brig. General Leo Francisco, kasama rin sa mga kakasuhan ay mga opisyal ng barangay na itinuturong sangkot sa street boxing.

Sa kabila ito na bawal pa rin ang mass gathering at contact sports.


Ayon sa MPD, hindi rin lusot ang magulang ng menor de edad na pinag-boxing bagama’t hirap sila sa pagkuha ng sinumpaang salaysay.

Kasama rin sa iniimbestigahan ang pamunuan ng MPD Station 1 lalo na ang Gagalangin PCP dahil sa kapabayaan sa tungkulin.

Facebook Comments