18 pinoy na nagtatrabaho sa hotel na tinamaan ng missile sa Iran, binigyang tulong ng embahada

Binisita ni Ambassador Aileen Mendiola ang 18 nating kababayan na inilikas sa pinagtatrabahuhan nilang hotel na tinamaan ng missile ng Iran.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Israel, ligtas at hindi sila nasaktan dahil lahat sila ay nakapasok sa bomb shelter sa mga oras na nagkakaroon ng missile attack.

Sa kabila nito, ang ilan sa kanila ay nakararamdam ng trauma dahil sa mga pagsabog kung kaya sasailalim sila sa psychosocial counselling program ng Embahada sa mga susunod na araw.

Samantala, binigyan din sila ng relief packages, hygiene supplies, at baby milk and care products para sa bagong panganak na sanggol ng isa sa mga inilikas.

Facebook Comments