18 taong gulang sinaksak ng Barangay Kagawad sa Pangasinan

200

Sugatan ang 18 anyos na lalaki matapos itong saksakin ng isang Barangay Kagawad sa Brgy. Rosario Pozzorubio dahil sa maling pagpapark ng biktima ng kaniyang motorsiklo.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Police Liutenant Jesus Tambano, Chief Deputy ng PNP Pozzorubio, nagkaroon ng pagtatalo ang biktimang si Tommy Pahigon at ang anak ng suspek na si Freddie Calpotura, Brgy. Kagawad ng Talogtog Pozzorubio.
Nasa 3rd lane umano ng National Highway ang motorsiklo ng biktima kung kaya’t ito ay ipinapatabi ng anak ng suspek na isang pulis at nauwi sa pagtatalo ng dalawa.
Sumunod pa ang biktima sa tahanan nito at dito na nasalo ng suspek ang pagtatalo ng kaniyang anak at biktima.
Dito na sinaksak ng barangay kagawad si Pahigon na nagkaroon ng tama sa ibat – ibang parte ng katawan. Sa ngayon Inoobserbahan ang biktima sa ospital at ang suspek ay sumailalim na sa inquest proceeding na nahaharap sa kasong homicide.
###

Facebook Comments

From Advertisers