19-anyos na Estudyante, Patay matapos Bumangga sa Puno ang Minamanehong Motorsiklo

22
Cauayan City, Isabela- Dead on the spot ang isang 19-anyos na estudyante makaraang bumangga sa puno ng mangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa bahagi ng Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa report ng Cauayan City Police Station, kinilala ang biktima na si John Brix De Luna, working student at residente ng CMP Padilla, Brgy. Tagaran sa nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo ang biktima partikular sa pakurbadang kalsada dahilan upang bumangga ito sa puno ng mangga.

Labis naman ang lungkot ng pamilya sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

Paalala naman ng pulisya sa mga motorista na iwasan ang mabilis na pagpapatakbo ng anumang uri ng sasakya upang makaiwas sa disgrasya.

Facebook Comments