19 anyos na lalaki arestado matapos makuhaan ng shabu at marijuana sa Taguig City

42

Nahuli ng mga tauhan ng Taguig City Police Station ang isang lalaki matapos makuhaan ng iligal na droga sa Villa Light St., Hagonoy, Taguig City.

Kinilala ang naaresto na si Christian Villareal, 19-anyos ng Katuparan, Taguig City.


Sa ulat, nagpapatrolya ang mga pulis sa lugar nang mapansin ang suspek at lapitan pero napansin nila ang hawak nitong plastic na agad na itinapon.

Pero nakuha ito ng mga pulis at nadiskubreng ang laman ay dalawang gramo ng shabu na may estimated street value na P13,600 at 1.3 grams ng Marijuana.

Sa ngayon, nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2012.

Facebook Comments