19 arestado dahil sa illegal discharge of firearms – PNP

340

Manila, Philippines – Umabot na sa 19 na katao ang inaresto dahil sa illegal discharge of firearms.

Sa datos ng PNP na kinalap mula December 16 hanggang 30, pito ang mga pulis, anim naman ay sibilyan, dalawang government officials, dalawang security guards, isang miyembro ng law enforcement agency at isang sundalo.


Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde – mahaharap ang mga nahuling pulis sa kasong administratibo.

Nasa 13 naman ang inaresto dahil sa ilegal na paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na paputok.

Facebook Comments

From Advertisers