19 hanggang 31 milyong indibidwal, posibleng maaapektuhan ng Super Typhoon Rolly!

64

Tinatayang aabot sa 19.8 milyon hanggang 31.9 milyong indibidwal ang maaapektuhan ng Super Typhoon Rolly.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC), ito ay base sa bilang ng populasyon sa mga lugar na daraanan ng bagyo.


Samantala sa press briefing, sinabi ni NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad na nasa 96,543 pamilya na ang inilikas at kasalukuyang nasa evacuation centers.

Katumbas ito ng 346,993 indibidwal mula sa regions III, V, VIII, NCR, CALABARZON at Cordillera Administrative Region.

Facebook Comments