19 million Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa 19 milyong mga Pilipino ang nakakumpleto ng bakuna kontra sa COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., 24.66% ito ng target na 70% populasyon ng bansa na mabakunahan, habang 17.28% ng kabuuang populasyon sa bansa.

Sa nasabing bilang, 23.1 milyong Pilipino ang nakatanggap ng unang dose para sa 42.1 milyong bakuna na naipamahagi na sa bansa.


Sa ngayon, umabot na sa 65.8 million doses ng COVID-19 ang natanggap ng Pilipinas kung saan 41.1 million ang binili ng national government at 5 million ang binili ng ilang pribadong sektor at Local Government Units (LGUs).

Nasa 23.7 million doses naman ng bakuna ang natira sa Pilipinas na nakatakdang iturok sa publiko.

Facebook Comments