19 na drug suspects, arestado sa one time big time operation sa Taguig City

Taguig City – Arestado ang 19 na drug suspects sa ikinasang one time big time operation ng pulisya sa Taguig City.

Ayon sa Taguig-PNP, ilan sa mga naaresto ay naaktuhan pang nagpa-pot session habang ang iba ay isinumbong ng kanilang kapitbahay.

Kabilang sa mga una nang dinala sa prisinto sina Erwin Espiritu, Roderick Amante, Eric Nacanilao, Arianne Amisoso at Gerald Santos.


Aminado naman si Nacanilao na maliban sa gumagamit siya ng droga, ito rin ang kanyang pinagkakakitaan.

Samantala, dalawang iba pa ang dinala sa police headquarters dahil sa paglalaro ng kara cruz habang 125 naman ang nahuli dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa.

Facebook Comments