19 na katao, patay matapos maganap ang malakas na pagsabog sa isang health clinic sa Tehran, Iran

737

Patay ang aabot sa labing-siyam na katao matapos ang naganap na malakas na pagsabog sa isang health clinic sa Tehran, Iran.

Ayon sa emergency medical services ng Tehran, labing-lima sa mga nasawi ay pawang mga babae.


Nagdulot din ng matinding pagkasira ng gusali ng “Sina at’ Har Health Center” ang nasabing pagsabog.

Sa ngayon, meron pang anim na biktima ang nananatili sa pagamutan at patuloy na nagpapagaling.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung sino at ano ang motibo ng nasa likod ng pagsabog.

Facebook Comments