19 na kumpanya sinertipikahan ng DTI na magbenta ng paputok

Inilabas ng Department of Trade & Industry (DTI) ang listahan ng mga brand at manufacturer ng paputok na nakapasa sa Bureau of Philippine Standards (BPS).

Ayon sa DTI 19 na kumpanya pa lamang ang sinertipikahan ng BPS.

Kabilang dito ang Dragon Fireworks, Diamond Fireworks, Pegasus Fireworks, Phoenix Fireworks, Platinum Fireworks at 15 iba pa.


Maaring namang makita ang kumpletong listahan sa website ng ahensya na www.dti.gov.ph

Kasabay nito hinimok ng ahensya ang publiko na bumili lamang ng mga brand na mayroon Philippine Standard o PS Mark sa pakete.

Facebook Comments