19, patay; 709, sugatan sa naganap na magnitude 7 na lindol sa Turkey

361
Photo Courtesy: CNN

Umabot na sa 19 ang naitalang nasawi habang nasa 709 ang nasugatan sa naganap na magnitude 7 na lindol sa bahagi ng Aegean Coast sa Turkey at Samos Island sa Greece.

Ayon sa Disaster and Emergency Management Presidency (AFAD) ng Turkey, naitala ang episentro ng lindol sa bahagi ng Izmir City sa Turkey kung saan 17 katao ang nalunod matapos ma-trap.


Isang babae at isang lalaki naman ang natagpuang patay matapos gumuho ang isang pader sa Samos Island sa Greece.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasa 17 gusali ang gumuho sa Izmir City at tinatayang nasa mahigit 2,000 katao malapit sa pinangyarihang lugar ang pinakanaapektuhan.

Facebook Comments