19, patay matapos mabangga ng tren ang kanilang sinasakyang van sa Pakistan

51

Patay ang nasa labing-siyam (19) na miyembro ng isang pamilya kabilang na ang pitong babae matapos mabangga ng tren ang kanilang sinasakyang van sa Pakistan.

Base sa imbestigasyon, galing hilagang kanluran ng lungsod ng Peshawar ang mga pasahero at pauwi na sana sa shrine ng Nankana Sahib sa Sheikhupura, Pakistan nang mapadaan ang kanilang sasakyan sa isang riles ng tren.


Habang sila ay papatawid sa riles ay hindi na namalayan ng driver ng van na may paparating din na tren sa lugar.

Agad na isinugod sa ospital ang iba pang mga sugatang biktima habang wala namang nasugatan o nasaktan sa mga pasahero ng tren.

Facebook Comments