19 pilgrims, patay matapos maaksidente ang sinasakyan nitong bus

465

Nasawi ang 19 na katao matapos maaksidente ang isang bus sa Mexico.

Ayon kay Ricardo de la Cruz Musalem, Senior official sa central State ng Mexico, galing sa Michoacan ang bus at patungo sana sa Catholic shrine para dumalo sa religious pilgrimage.

Dinala naman sa pagamutan ang 20 iba pa na nagtamo lamang ng sugat sa katawan.


Noong Setyembre, naganap din ang kaparehong aksidente kung saan nasa 16 ang nasawi at 22 ang nasugatan.

Facebook Comments