19 sachet ng iligal na droga, nasabat ng PNP at PDEA sa isang Drug Buy bust operation sa lungsod ng Roxas

Roxas City, Philippines – Mahigit sa 100 libong piso ang halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Drug Enforcement Unit ng Roxas City PNP at PDEA 6 sa isinagawang drug buybust operation sa Barangay X, lungsod ng Roxas kaninang madaling araw.

Nakuha ng mga operatiba ang 19 sachet ng suspected shabu at iba pang drug paraphernalia sa kamay ng subject person na si Calvin Divino y Orola alyas Dobie.

Maliban kay Divino, arestado rin ang mga kasamahan nito na sina Jun Rod Jamili y Villanueva , 33-anyos; Edwin Velado y Tajolosa, 50-anyos at John Rey Morales y Ponsaran pawang residente ng Roxas City.
Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
DZXL558 , Jessie Llegue


Facebook Comments