Makatatanggap ng pabahay ang 190 pamilya mula sa Caoayan, Ilocos Sur na labis na naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Northwestern Luzon noong Hulyo 27, 2022.
Ang proyektong pabahay, na matatagpuan sa Barangay Villamar, Caoayan, ay naglalayong magbigay ng pag-asa at bagong simula sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, lalo na sa mga nasa no-build zones na itinakda ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Itinuturing itong na kauna-unahang resettlement project sa Ilocos Region na pinondohan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Inaasahang matatapos ang mga pabahay sa Hulyo ngayong taon, kung saan bawat pamilya ay makatatanggap ng dalawang palapag na unit.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨