Bagyong ‘Enteng’, bahagyang lumakas at bumilis habang tinutumbok ang Southern Ryukyu Islands

27297

Bahagyang lumakas at bumilis ang bagyong “Enteng” habang kumikilos pa-Hilaga papuntang Southern Ryukyu Islands.

Huli itong namataan sa layong 540 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kph.

Wala namang nakataas na anumang storm warning signal sa anumang bahagi ng bansa.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong tanghali.

Facebook Comments