BBM-Sara Uniteam Coalition, nanawagan na i-reappoint sa COMELEC si dating Chairman Pangarungan

216

Nanawagan kay President-elect Bongbong Marcos ang BBM-SARA Uniteam Coalition na ibalik sa Commission on Elections (COMELEC) si dating Chairman Saidamen Pangarungan.

 

Sa kanilang liham kay BBM na may lagda ng kanilang chairman na si Albert dela Cruz, hiniling ng mga ito na i-reappoint sa poll body si Pangarungan matapos itong ma-bypass ng Commission on Appointments.

 

Ayon sa nasabing grupo, karapat-dapat sa COMELEC si Pangarungan lalo na’t napatunayan nito sa nakalipas na halalan na maayos na naidaos ng poll body ang national at local elections.


 

Tinukoy ng coalition ang transparency na pinairal ng COMELEC sa panahon ni Pangarungan sa gitna ng mga pagdududa sa integridad ng Komisyon.

 

Pinuri rin nila ang peace covenants na isinulong ni Pangarungan at nilagdaan sa hanay ng mga kandidato sa mga lugar na itinuturing na hotspots noong panahon ng halalan kaya naiwasan ang election-related violence.

Facebook Comments