COMELEC, ikinokonsidera ang pagdaraos ng isa pang voting simulation

Posibleng magsagawa ng isa pang voting simulation ng Commission on Election (COMELEC) matapos ang nauna nang simulation exercise na isinagawa nitong October 23 sa San Juan Elementary School sa San Juan City.

Ayon kay Comelec Spokesman Director James Jimenez, pinaplantsa na ito ng komisyon.

Aniya, may mga target location na sila sakaling ma-approve ang ikalawang simulation.


Hindi naman binanggit ni Jimenez kung saang mga lugar ang posibleng pagdausan ng isa pang voting simulation.

Facebook Comments