Contact tracing, dapat palakasin ng pamahalaan – Dr. Leachon

24

Umapela ang isang public health expert na mag-focus ang pamahalaan sa contact tracing sa gitna ng banta ng Delta variant.

Ayon kay Dr. Anthony Leachon, importanteng mapalakas ng pamahalaan ang contact tracing para hindi makalusot ang variant.


Ipinaalala rin ni Leachon na ang Indonesia ay ikinokonsidera ng episentro ng virus sa Southeast Asia.

Dapat i-review muli ang quarantine guidelines dahil hindi kakayanin kapag nagkaroon muli ng surge.

Facebook Comments