Dalawang drug suspek, arestado sa Muntinlupa

26

Nahuli ng mga tauhan ng Muntinlupa Police ang dalawang drug suspek sa kanilang isinagawang buy bust operation sa Lovely Compound, Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga ito na sina Maureen Fualo at Kenneth Jasper, kapwa 39-anyos.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), isinagawa nang kanilang mga tauhan kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahilan para maaresto ang dalawang suspek at makuha ang 1.6 na gramo ng shabu na may halagang mahigit 8,000.

Sa ngayon nakakulong na ang mga suspek sa Muntinlupa Custodial Facility at nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments